Nakumpleto Nobyembre 8, 2024, ng Air China ang paglipad ng eroplanong B-919Y patungong Macao Special Administrative Region na minarkahan ang unang pagbisita ng sariling gawang C919 jetliner ng Tsina sa Macao, gayundin ang pampasinayang paglipad mula ng ihatid ang eroplanong B-919Y.
Inimbitahan ang eroplanong ito sa Ika-13 Macao Business Aviation Exhibition at ilalagay sa isang itinalagang lugar ng Macao International Airport mula Biyernes hanggang Linggo para ipakita.
Salin:Zheng Yujia
Pulido:Ramil Frank