Eroplanong C919 at ARJ21 ng Tsina, dumating sa Kambodya

2024-03-06 11:27:23  CMG
Share with:

Dumating, Marso 5, 2024 sa Kambodya ang eroplanong C919 and ARJ21 na idinebelop ng Commercial Aircraft Corporation of China para isagawa ang static display at demonstration flight.

 

Nauna rito, sumali ang dalawang eroplano sa Singapore Airshow 2024.

 

Ito ang kauna-unahang airshow appearance ng dalawang sasakyan sa labas ng Tsina.

 

Matapos ito, lumipad naman ang C919 at ARJ21 papunta sa Biyetnam at Laos.

 

Sa susunod na yugto, pupunta ang dalawang eroplano sa Malaysia at Indonesia.

 

Tatagal ng 2 linggo ang kabuuang biyahe C919 at ARJ21 sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.

 

Ito ay para subukan ang kakayahan ng dalawang sasakyan na lumipad at lumapag sa mga paliparan at ruta ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio