Kaugnay ng kaukulang pananalita ng Pilipinas hinggil sa South China Sea, inihayag Martes, Nobyembre 12, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang paglapastangan sa karapatan at probokasyon ng panig Pilipino ay siyang sanhi ng bawat pagsidhi ng alitang pandagat sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Nilapastangan muna ng panig Pilipino ang karapatan ng Tsina, at sapilitang isinagawa ng panig Tsino ang kinakailangang hakbangin upang ipagtanggol ang sariling lehitimong karapatan at interes, dagdag niya.
Ani Lin, kung hindi gagawin ng Pilipino ang mga probokasyon, saka lamang hindi uulitin ang kaguluhan sa kalagayang pandagat.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Frank