Magkasamang pinanguluhan Nobyembre 12, 2024, sa Beijing, nina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa Mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC), at Sergei Shoigu, Kalihim ng Russian Federation Security Council, ang ika-19 na round ng taunang estratehikong konsultasyon sa seguridad ng Tsina at Rusya.
Malalim na nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa mga pangunahing isyung pang-estratehikong seguridad na kapuwa nilang pinahahalagahan, nagkaroon ng mga bagong konsensus, at nagpalakas ng estratehikong pagtitiwalaan sa isa’t isa.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na palakasin ang kooperasyon, pangalagaan ang relasyong Sino-Ruso at pag-unlad at pagbangon ng dalawang bansa, at magkasamang itaguyod ang pandaigdigang seguridad at estabilidad.
Binigyan-diin ni Wang na ang sitwasyong pandaigdig ay masalimuot at marami ang mga hamong panlabas, kaya dapat mahigpit na magkaisa at magtulungan ang Tsina at Rusya para mapangalagaan ang komong interes.
Ipinahayag naman ni Shoigu na nakahandang makipagtulungan ang Rusya sa Tsina para pahigpitin ang bilateral na kooperasyon, palakasin ang kooperasyon sa mga multilateral na mekanismo gaya ng United Nations at pasulungin ang bago at mas malaking pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.
Salin:Sarah
Pulido: Ramil Frank