Tsina at Rusya, magsasagawa ng mga pulong panseguridad ngayong linggo

2024-11-12 15:35:59  CMG
Share with:

Inihayag Nobyembre 11, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos ng Tsina at Rusya ang ika-19 na round ng taunang estratehikong konsultasyon sa seguridad at ika-9 na pulong ng mekanismo ng kooperasyon sa batas at seguridad mula Nobyembre 11 hanggang 15 sa Tsina.

 


Ani ni Lin, dadalo sa mga pagpupulong si Sergei Shoigu, Kalihim ng Russian Federation Security Council at magsasagawa ng pag-uusap kay Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Sentral na Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Tsina.

 

Dagdag pa ni Lin, makikipag-usap din sa kanya si Chen Wenqing, Kalihim ng Central Commission for Political at Legal Affairs ng Tsina.

 

Salin: Lei Bidan


Pulido: Ramil / Frank