Tsina't LAC, magtatamasa ng maraming kapana-panabik na pag-unlad sa susunod na dekada

2024-11-13 15:32:48  CMG
Share with:

Sinabi, Nobyembre 12, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa patnubay ng mga lider ng Tsina’t Latin Amerika at Caribbean (LAC), mas malaking pag-unlad ang matatamasa ng dalawang panig sa susunod na dekada.

 

Ang Tsina ang pinakamalaking kasosyo sa kalakalan ng maraming bansa sa rehiyon.

 

Hinggil dito, sinabi ni Lin, na ang kooperasyon ng dalawang panig sa ekonomiya’t kalakalan, pananalapi’t imprastraktura, enerhiya, at didyital na ekonomiya’t kalawakan ay patuloy na lumalawak.

 

Dagdag niya, ang Tsina ay mapagkakatiwalaang kaibigan’t katuwang ng mga bansang LAC at kanilang mga mamamayan.

 

Ang relasyong Sino-LAC ay pumasok na sa bagong panahong naglalarawan sa pagkakapantay-pantay, mutuwal na benepisyo, inobasyon, pagbubukas, at mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang panig, aniya pa.


Salin: Lei Bidan


Pulido: Rhio / Frank