Pangulo ng Tsina at Peru, nag-usap

2024-11-15 09:35:11  CMG
Share with:

Nag-usap Nobyembre 14, 2024, lokal na oras, sa Lima, Peru, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Dina Boluarte ng bansang ito.


Tinukoy ni Xi na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, 53 taon na ang nakararaan, nananatiling mainam ang pag-unlad ng bilateral na relasyon at lumaki nang malaki ang bolyum ng kalakalan ng dalawang bansa.


Ito aniya ay nagdudulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.


Sinabi niya na pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyunal na pagkakaibigan nito sa Peru at optimistiko ang kinabukasan ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.


Nakahanda aniya ang Tsina na makipagtulungan sa Peru para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.


Kinakatigan ng Tsina ang mga gawain ng Peru bilang punong-abala sa Ika-31 Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), dagdag ni Xi. 


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank