Dumating Nobyembre 14, 2024 (local time), sa Lima, Peru, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para dumalo sa Ika-31 Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at magsagawa ng dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Sa kanyang nakasulat na talumpati sa paliparan, ipinahayag ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, lumalalim ang relasyon at pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Peru, at matatag na umuunlad ang kanilang mga proyekto ng kooperasyon.
Aniya, nagdudulot ang mga ito ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Umaasa siyang pasusulungin ang pagkamit ng mas maraming bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan at kasama ng mga kalahok na panig ng APEC, magkakasamang pasusulungin ang konstruksyon ng bukas na kabuhayan ng Asya-Pasipiko, at paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Mainit naman na sinalubong si Xi sa kalsada mula paliparan hanggang hotel ng mga overseas Chinese, estudyanteng Tsino at kinatawan ng bahay-kalakal ng Tsina sa Peru at mga lokal na mamamayan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Frank