Pangulo ng Tsina at Peru, dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Chancay Port

2024-11-15 10:34:04  CMG
Share with:

Magkasamang dumalo via video link, Nobyembre 14, 2024, lokal na oras, sa Lima, Peru, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Dina Boluarte ng Peru, sa seremonya ng pagbubukas ng Chancay Port sa hilagang bahagi ng bansang ito.


Ipinahayag ni Xi ang pagbati sa pagbubukas ng Chancay Port, at ang pasasalamat sa mga manggagawang Tsino at Peruvian sa pagtatayo ng puwerto.


Aniya, sa pamamagitan ng Chancay Port, ibayo pang titibay ang posisyon ng Peru bilang sangandaan na nag-uugnay sa pagitan ng dagat at lupa, at ng Asya at Latin Amerika.


Dagdag pa ni Xi na hindi lamang isang mabuting daungan ang Chancay port, pati na rin ang unang matalino at berdeng daungan sa Timog Amerika, na pagkatapos ng kumpletong pagtatayo nito, magdudulot ito ng malaking kita sa Peru at lilikha ng malaking bilang ng mga hanap-buhay.


Ipinahayag naman ni Boluarte, na ang Chancay Port ay mahalagang proyektong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road, at salamat sa puwertong ito, tumahak ng masusing hakbang ang Peru tungo sa target nitong maging isang sentro ng pandaigdigang nabigasyon at kalakalan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank