Lima , Peru — Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 15, 2024 (lokal na oras) kay Punong Ministro Paetongtarn Shinawatra ng Thailnd sa sidelines ng Ika-31 APEC Economic Leaders' Meeting, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa susunod na taon ay sasalubungin ang ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand.
Kasama ng panig Thai, nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Thai, palalimin ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran, at pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t-ibang larangan upang mapasulong ang pagtamo ng mas malaking progreso ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasang Sino-Thai.
Ipinahayag naman ni Paetongtarn ang pag-asang ibayo pang mapapasulong ang kooperasyon sa “Belt and Road” Initiative, mapapalakas ang pagpapalitang tao-sa-tao at kultural at mapapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigang Thai-Sino.
Salin: Lito
Pulido: Ramil