Idinaos kahapon ng umaga, Nobyembre 16, 2024, lokal na oras, sa Lima, Peru, ang Ika-31 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting.
Sa kanyang talumpating may pamagat na “Magkakasamang Isabalikat ang mga Responsibilidad sa Panahon at Magkakasamang Itaguyod ang Pag-unlad ng Asya-Pasipiko,” nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba’t ibang bansa sa Asya-Pasipiko na palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, at isabalikat ang mga responsibilidad sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya-Pasipiko at paglikha ng bagong panahon ng pag-unlad ng rehiyong ito.
Para rito, iniharap ni Xi ang tatlong mungkahi.
Una, itatag ang bukas at integradong kooperasyon ng Asya-Pasipiko. Batay sa multilateralismo at bukas na kabuhayan, pasulungin ang integrasyong pangkabuhayan at interkonektibidad sa rehiyon, at panatilihin ang matatag at maginhawang mga kadena ng industriya at suplay.
Ikalawa, gawing berdeng inobasyon ang lakas tagapagpasulong para sa Asya-Pasipiko. Palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga sulong na sektor na gaya ng artificial intelligence, quantum information, buhay at kalusugan, at iba pa, at magkakasamang pasulungin ang didytal at berdeng transpormasyon.
Ikatlo, itaguyod ang ideya ng unibersal na benepisyal at inklusibong pag-unlad sa Asya-Pasipiko. Palakasin ang suporta sa mga umuunlad na ekonomiya at mahinang grupo, at ibahagi ang mga bunga ng pag-unlad sa mas maraming ekonomiya at mamamayan.
Binigyang-diin din ni Xi, na ang reporma at pagbubukas sa labas ay komong proseso para sa pag-unlad ng Tsina at daigdig. Lagi aniyang nagsisikap ang Tsina para sa sariling pag-unlad, at ang pag-unlad ng Tsina ay magdudulot ng mga pagkakataon sa pag-unlad ng Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Editor: Liu Kai