Lima, Peru — Binigkas Nobyembre 15, 2024 (lokal na oras) ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nakasulat na talumpati sa APEC CEO Summit 2024.
Tinukoy ni Xi na malalimang nakikisangkot ang mga bansang Asya-Pasipiko sa globalisasyong pangkabuhayan na nagiging komunidad na may pinagbabahaginang kapakanan at kinabukasan.
Samantala, nakapasok ang daigdig sa bagong panahon ng transpormasyon at kaligaligan, at nahaharap ang globalisasyong pangkabuhayan sa mga mahigpit na hamon.
“Where will the Asia-Pacific economy be going? It is a decision we must make,” ani Xi.
Sinabi ni Xi na dapat tumpak na gabayan ang direksyon ng globalisasyong pangkabuhayan, kapit-bisig na pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan, at pasulungin ang pagpasok ng globalisasyong pangkabuhayan sa mas masigla, mas inklusibo, at mas sustenableng makabagong yugto upang benepisyunan ng mas mabuti ang iba’t-ibang bansa at grupo.
Kaugnay nito, iniharap ng Pangulong Tsino ang tatlong mungkahi: una, dapat pasulungin ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa pamamagitan ng inobasyon; ikalawa, dapat pasulungin ang reporma sa sistema ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig; ikatlo, dapat igiit ang ideyang “ipauna ang mga tao,” at pasulungin ang paglutas sa problema ng kawalang-balanse ng kaunlaran.
Diin pa niya, ang pag-unlad ng Tsina ay di maihihiwalay sa Asya-Pasipiko, at ito ay makakapaghatid ng mas maraming benepisyo sa Asya-Pasipiko.
Salin: Lito
Pulido: Ramil