Inanunsyo Nobyembre 18, 2024 (lokal na oras), sa ika-19 na G20 Summit na idinaos sa Rio De Janeiro, Brasil, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang walong aksyon ng Tsina para suportahan ang pag-unlad ng buong mundo.
Una, magtulungan para itatag ang de-kalidad na “Belt and Road,” at higit pang bumuo ng isang three-dimensional na network ng konektibidad.
Ikalawa, ipatupad ang Global Development Initiative (GDI), bumuo ng isang “Global South” na sentro ang pananaliksik, patuloy na suportahan ang mga umuunlad na bansa, palalimin ang praktikal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan tulad ng pagbabawas ng kahirapan, seguridad sa pagkain, didyital na ekonomiya at iba pang larangan.
Ikatlo, suportahan ang pag-unlad ng Aprika.
Ikaapat, suportahan ang internasyonal na kooperasyon sa pagbabawas ng kahirapan at seguridad sa pagkain. Ipinasiya ng Tsina na lumahok sa “Global Alliance Against Hunger and Poverty,” suportahan ang patuloy na pagdaraos ng G20 Development Ministers’ Meeting, at patuloy na pagdaraos ng International Conference on Food Loss and Waste.
Ikalima, magkakasamang itaguyod ng Tsina, Brasil, Timog Aprika, at Unyong Aprikano ang “Open Science International Cooperation Initiative,” at isulong ang paghahatid ng mas maraming benepisyo ng bunga ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya ng buong mundo sa “Global South.”
Ikaanim, suportahan ang G20 sa pagsasagawa ng praktikal na kooperasyon upang mabenepisyunan ang “Global South.”
Ikapito, ipatupad ang “G20 Anti-Corruption Action Plan.”
Ikawalo, pabutihin ng Tsina ang mataas na lebel ng sistema ng pagbubukas sa labas at mekanismo, at palawakin ang unilateral na pagbubukas sa hindi gaanong maunlad na mga bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Lito