Sa ilalim ng temang “Pagtatatag ng Isang Makatarungang Daigdig at Isang Sustenableng Planeta,” idinaraos mula Nobyembre 18 hanggang 19, 2024 sa Rio de Janeiro, Brasil ang Ika-19 na Summit ng mga Lider ng Group of 20 (G20).
Magkasunod na inihayag kamakailan ng pandaigdigang opinyong publiko ang pag-asang magbubunsod ang Tsina ng makabagong pagkakataong pangkaunlaran sa daigdig sa nasabing summit.
Bilang isa sa mga pangunahing porum sa pandaigdigang kooperasyong ekonomiko, nagtitipun-tipon sa G20 ang mga pangunahing maunlad na ekonomiya at mga ekonomiya ng bagong-sibol na merkado sa daigdig.
Nitong nakalipas na ilang taon, ang G20 ay unti-unting nagsilbing mahalagang plataporma para sa pagpapasulong sa malakas, sustenable, balanse at inklusibong paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Masusing masusi ang kaunlaran sa lahat ng mga bansa. Kabilang sa mga miyembro ng G20, laging nakapokus ang Tsina sa isyu ng kaunlaran.
Higit pa sa lahat, palagiang ipinagdidiinan ng Tsina ang inobatibong pag-unlad, lalong lalo na, ang ekonomiyang didyital at berdeng pag-unlad.
Ang isa sa mga mahalagang paksa sa Summit Rio 2024 ay pagtalakay sa berde’t mababang karbong pag-unlad ng buong mundo. Kaya inaasahan ng daigdig na patitingkarin ng Tsina ang mas malaking lakas-panulak sa sustenableng pag-unlad ng daigdig.
Ang pangangasiwa ay isa pang pangunahing salita upang maunawaan ang papel ng Tsina.
Sa loob ng balangkas ng G20, palagiang naninindigan ang Tsina sa pagpapatupad ng tunay na multilateralismo, at iginigiit ang ideya ng pandaigdigang pangangasiwa na may magkakasamang pagtalakay, pagtatatag at pagbabahaginan.
Laging pinapasulong ng Tsina ang pandaigdigang pangangasiwang ekonomiko tungo sa mas makatarungan at makatwirang direksyon, at pagpapalakas ng tinig ng Global South.
Sa panahon ng summit, hahangarin ng Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, ang kaunlaran, at imumungkahi ang isang pantay at maayos na multi-polar na daigdig, at inklusibong globalisasyong ekonomiko na kapaki-pakinabang sa lahat.
Makatwiran ang pananabik ng daigdig na ipapadala ng Tsina ang mas maraming katalinuhan at puwersa para sa komong kaunlaran ng iba’t ibang bansa at pandaigdigang pangangasiwa.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Lito