Xi at Macron, isinulat ang mga paunang salita sa eksbisyon ng Dinastiyang Tang ng Tsina sa Museo ng Guimet

2024-11-19 16:53:29  CMG
Share with:

Magkakasunod na isinulat Nobyembre 19, 2024, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, ang mga paunang salita sa isang eksbisyon na pinamagatang “Tang China - A Cosmopolitan Dynasty (7th-10th Century),” na pinasinayaan noong Nobyembre 18 sa Guimet National Museum of Asian Arts ng Pransya.

 

Sinabi ni Xi na minarkahan ng taong ito ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Tsina at Pransya. Napagkasunduan ng dalawang bansa na magdaos ng isang eksbisyon ng mga artepakto ng Dinastiyang Tang sa Museo ng Guimet sa kanyang pagbisita sa Pransya noong Mayo.

 

Sinabi pa ni Xi na masayang-masaya siyang makita ang pagbubukas ng eksbisyon ayon sa naka-iskedyul at pinasalamatan ang pinagsamang pagsisikap ng mga dalubhasa sa kultural na relikya mula sa dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil Lito

May Kinalamang Babasahin