Paris — Sa kanyang pakikipag-usap hapon Hulyo 26, 2024 (lokal na oras) kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, inihayag ni Han Zheng, espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa paglahok sa seremonya ng pagbubukas ng Paris Olympics at Pangalawang Pangulo ng bansa, ang lubos na kasiyahang makadalo sa seremonya ng pagbubukas ng Paris Olympics, at bumati siya na magiging makulay at sikat ang Olimpiyadang ito.
Sinabi niya na natamo ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi sa Pransya noong Mayo ang kasiya-siyang tagumpay, bagay na nagpapakita ng mataas na pagkakaibigang Sino-Pranses. Ito aniya ay may mahalagang katuturan para sa malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo at kapayapaan at katatagang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Macron ang mainit na pagtanggap sa pagdalo ni Han, bilang espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi, sa seremonya ng pagbubukas ng Paris Olympics.
Sinabi niya na noong nagdaang Mayo, nagkaroon sila ni Pangulong Xi ng mapagkaibigang pag-uusap.
Nang araw ring iyon, kinatagpo rin ni Han ang mga lider ng mga bansang dayuhan.
Salin: Lito
Pulido: Ramil