Pangulong Tsino, bumati sa 2024 World Internet Conference Wuzhen Summit

2024-11-20 14:58:37  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Nobyembre 20, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ng video message bilang pagbati sa pagbubukas ng 2024 World Internet Conference Wuzhen Summit.


Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na dapat samantalahin ang tunguhin ng pangkalahatang kalakaran ng didyitalisasyon, networking at matalinong pag-unlad, ituring ang inobasyon bilang unang puwersang panulak, seguridad bilang pangunahing kinakailangan at pagiging inklusibo bilang paghahangad ng halaga, pabilisin ang makabago, ligtas, at inklusibong pag-unlad ng cyber space at nagtutulungan para sumulong tungo sa isang mas magandang “didyital na kinabukasan.”


Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba pang mga bansa sa mundo, para pasulungin ang makasaysayang inisyatiba ng pag-unlad ng impormasyon, magtulungan para bumuo ng isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa cyberspace, at gawing mas kapaki-pakinabang ang internet sa mga tao at mundo.


Binuksan sa parehong araw sa Wuzhen ng lalawigang Zhejiang ng Tsina ang World Internet Conference na may temang “Pagyakap sa isang taong-nakatuon, matalino at magandang didyital na hinaharap– nagtutulungan upang bumuo ng isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa cyberspace.”


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank