Bangketeng panalubong, dinaluhan ni Xi Jinping

2024-11-21 14:22:37  CMG
Share with:

Dumalo, Nobyembre 20, 2024 sa Brasilia, kabisera ng Brasil si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bengketeng panalubong na inihandog ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva.

 

Pinasalamatan ni Xi ang mainit at mapagkaibigang pagtanggap ni Lula da Silva at mga Brasilyano, at inihayag niyang siya ay nananalig sa kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Kasama ng Brasil, magsisikap ang Tsina para maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa at likhain ang 50 ginintuang taon ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, dagdag niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank