Klasikong Salawikang Sinipi ni Xi Jinping, isinahimpapawid sa Brasil

2024-11-21 14:18:50  CMG
Share with:

Kasabay ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Brasil, idinaos Nobyembre 20, 2024 (lokal na oras) sa Basilia, kabisera ng bansa, ang seremonya ng pagsasahimpapawid ng “Klasikong Salawikaing Sinipi ni Xi Jinping” (Ika-3 Kabanata sa wikang Portuges) na gawa ng China Media Group (CMG).

 

Sa seremonya ng pagsasahimpapawid, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang 2024 ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Kaugnay nito, laman ng nasabing programa ang tinipong mga pahayag’t talumpati ni Xi para ilahad sa mga Brasilyano ang sibilisasyong Tsino, at ideya ng pag-unlad ng Tsina sa bagong panahon.

 

Samantala, ipinatalastas ng araw ring iyon nina Xi at Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brasil ang pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa antas ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para magkasamang itatag ang mas makatarungang daigdig at sustenableng mundo.

 

Dumalo sa seremonya ang mahigit 200 panauhin na kinabibilangan ng mga opisiyal ng pamahalaan at sikat na personahe sa sektor ng kabuhayan kultura, media at akademiya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank