Mas magandang daigdig, magkasamang pagsisikapan ng Tsina’t Brasil

2024-11-21 08:33:12  CMG
Share with:

Pagkaraan ng kanilang pag-uusap, Nobyembre 20, 2024 (lokal na oras), sa Brasilia, Brasil, humarap sa media sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brasil.

 

Chinese President Xi Jinping (L) and Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva jointly met the press after their talks at the Alvorada Palace, Brasilia, Brazil, November 20, 2024. /Xinhua


Tinukoy ni Xi, na mapagkaibigan at mabunga ang pag-uusap ng dalawang panig, at nagkasundo sila ni Pangulong Lula da Silva, na nasa pinakamabuting panahon sa kasaysayan ang relasyong Sino-Brasilyano.

 

Narating aniya ng dalawang panig ang mga bagong estratehikong konsenso hinggil sa pag-unlad ng relasyong Sino-Brasilyan sa hinaharap, at ang mga pinakamahalaga sa mga ito ay pagpapataas sa bilateral na relasyon sa komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan tungo sa mas makatarungan at sustenableng mundo, at pag-uugnay ng “Belt and Road Initiative (BRI)” at estratehiya ng pag-unlad ng Brasil.

 

Binigyang-diin din ni Xi, na kasama ng Brasil, walang humpay na pasasaganain ng Tsina ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, at matatag na pangangalagaan ang totoong multilateralismo para maitayo ang mas magandang daigdig.

 

Malugod namang tinanggap ni Pangulong Lula da Silva ang pagdalaw ni Xi.

 

Malawak aniya ang komong interes ng Brasil at Tsina, at malalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Ang kooperasyon ng Brasil at Tsina ay may estratehikong katuturan at impluwensya sa buong daigdig, aniya pa.

 

Lalo pang pa aniyang pabubutihin ng dalawang panig ang koordinasyon sa mga multilateral na mekanismo, at pasusulungin ang mapayapang paglutas sa mga mainit na isyu.

 

Dagdag niya, ang pagbisita ni Pangulong Xi ay nagbukas ng bagong kabanatang historikal ng relasyong Brasilyano-Sino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Frank