Dalawang bagong satelayt, inilunsad ng Tsina

2024-11-25 14:37:09  CMG
Share with:

Sakay ang dalawang bagong satelayt na pinangalanang “Siwei Gaojing-2 03” at “Siwei Gaojing-2 04,” matagumpay na inilunsad ngayong umaga, Nobyembre 25, 2024 mula sa Jiuquan Satellite Launch Center ng Tsina ang Long March-2C carrier rocket.

 

Dumating na sa itinakdang orbiting pangkalawakan ang naturang mga satelayt.

 

Ito ang ika-547 misyon ng Long March series rocket.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank