Magkasanib na pagpapatrolya sa Beibu Gulf, sinimulan ng Tsina’t Biyetnam

2024-11-25 16:55:36  CMG
Share with:

Inihayag, Nobyembre 25, 2024, ng China Coast Guard (CCG), na tumungo ang isang plotilya nito sa Beibu Gulf para isagawa ang magkasanib na pagpapatrolya kasama ang counterpart mula sa Biyetnam.

 

Sa panahon ng pagpapatrolya, isasagawa ang serye ng mga aktibidad.

 

Anang CCG, magsisikap ang dalawang panig para maayos na hawakan ang mga pangkagipitang isyung pandagat para mapangalagaan ang katatagan sa dagat.

 

Ito ang ika-28 magkasanib na pagpapatrolya na isinagawa ng mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas sa dagat ng Tsina at Biyetnam sapul noong 2006, at ikalawang pagpapatrolya ngayong 2024 sa Beibu Gulf.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Frank