Pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam, ipinanawagan ng opisyal ng CPC

2024-11-13 15:20:42  CMG
Share with:

Sa pakikipagkita, Nobyembre 12, 2024, sa Beijing, ni Li Xi, Kalihim ng Sentral na Komisyon sa Inspeksyon ng Disiplina ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa isang delegasyon na pinangunahan ni Phan Dinh Trac, Tagapangulo ng Komisyon sa Panloob na Usapin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), inihayag ng panig Tsino, na handa itong makipagtulungan sa Biyetnam upang isakatuparan ang napagkasunduan ng mga pinakamataas na lider ng dalawang Partido; palakasin ang pampulitikang gabay sa mataas na antas; palalimin ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala ng Partido’t estado; paunlarin ang praktikal na kooperasyon; panatilihin ang malapit na koordinasyon sa mga isyung rehiyonal at pandaigdigan; at itaguyod ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam.

 


Sinabi naman ng panig Biyetnames, na handa itong makipagtulungan sa Tsina upang pahusayin ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto sa mga larangang tulad ng paglaban sa katiwalian at ang pag-unlad ng sosyalistang pamamahala ayon sa batas.

 

Salin: Yu Linrui

Pulido: Rhio / Frank