Tsina, nangakong tiyakin ang katatagan ng pandaigdigang industriyal at kadena ng suplay

2024-11-26 11:14:44  CMG
Share with:

Ipinahayag Nobyembre 26, 2024, ni Premyer Li Qiang ng Tsina na patuloy na isasagawa ng Tsina ang matibay na aksyon para tiyakin ang katatagan ng pandaigdigang industriyal at kadena ng suplay.

 

Ginawa ni Li ang pahayag habang dumadalo sa isang simposyum na nilahukan ng mga kinatawan ng mga negosyo at organisasyong lalahok sa darating na Ika-2 China International Supply Chain Expo.


Dumalo sa simposyum na ito ang mga kinatawan ng Apple, Rio Tinto, Contemporary Amperex Technology at US-China Business Council, at iba pa.

 

Binigyang-diin ng mga kinatawan na lubos silang nagtitiwala sa ekonomiya ng Tsina at nakahanda ang mga kumpanyang dayuhan sa Tsina na palawakin ang kanilang pamumuhunan sa bansa at palakasin ang kooperasyon sa pandaigdigang industriyal at kadena ng suplay.

 

Sinabi ni Li na pasusulungin ng Tsina ang mataas na pamantayan ng pagbubukas sa labas, palalawakin ang akses sa merkado, at malugod na tatanggapin ang mas maraming dayuhang negosyo na makisali sa kooperasyong pang-industriya ng bansa.

 

Umaasa din si Li na patuloy na susuportahan ng mga negosyo ang ekonomikong globalisasyon, palalalimin ang internasyonal na dibisyon ng paggawa at kooperasyon, at magtutulungan para gawing mas dinamiko, matatag at mahusay ang mga pandaigdigang industriyal at kadena ng suplay.

 

Salin:Sarah                

Pulido:Ramil Lito