Nakapokus sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa kadenang industriyal at suplay, idaraos sa Beijing mula Nobyembre 26 hanggang 30, 2024 ang Ika-2 China International Supply Chain Expo (CISCE).
Mahigit 600 eksibitor ang lalahok sa kasalukuyang ekspo na may lampas sa 100,000 metro kuwadradong lugar-pagtatanghal.
Kabilang sa mga eksibitor, 32 posiyento ay galing sa labas ng Tsina, at ang bilang na ito ay 26% mas mataas kumpara sa kauna-unahang CISCE noong nagdaang taon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio / Frank