Sa pagtatagpo, Nobyembre 26, 2024 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Fiame Naomi Mata'afa, Punong Ministro ng Samoa, sinabi ng lider Tsino, na suportado ng kanyang bansa ang pangangalaga sa soberanya’t pagsasarili, at pagtahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan ng Samoa.
Patuloy aniyang ipagkakaloob ng Tsina ang tulong sa pag-unlad ng kabuhayan’t lipunan ng Samoa, sa ilalim ng balangkas ng Kooperasyong Timog-sa-Timog.
Idiniin pa ni Xi, bukas ang patakaran ng Tsina sa mga bansang isla ng Pasipiko, at hindi nakatuon ang patakarang ito sa anumang ikatlong panig.
Handang tumulong ang Tsina sa pagpapataas ng kakayahan sa pagharap sa pagbabago ng klima ng mga bansang isla ng Pasipiko, dagdag niya.
Hanga naman si Mata'afa sa di-pakikialam ng Tsina sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Iginigiit aniya ng Samoa ang prinsipyong isang-Tsina at kinakatigan ang Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Development Initiative ng Tsina.
Umaasa rin aniya siyang ibayo pang mapapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Matapos ang pag-uusap, ipinatalastas ng dalawang panig ang magkasanib na pahayag ng Tsina at Samoa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio/Frank