Sa kanyang katatapos na biyahe sa Peru at Brazil mula Nobyembre 13 hanggang 23, 2024, magkahiwalay na dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-31 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Lima at Ika-19 na Summit ng mga Lider ng Group of 20 (G20) sa Rio De Janeiro, at nagsagawa rin ng dalaw-pang-estado sa naturang dalawang bansa.
Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na mabunga ang biyaheng ito para sa pagkakaibigan, pagkakaisa, at pagtutulungan.
Dagdag ni Wang, sa loob ng 11 araw, isinagawa ni Pangulong Xi ang halos 40 bilateral at multilateral na aktibidad, at narating ang mahigit 60 dokumentong pangkooperasyon.
Sa pamamagitan ng mga ito aniya, iniharap ng Tsina ang mga bagong mungkahi tungkol sa pagbubukas at pagtutulungan ng Asya-Pasipiko, pinasulong ang muling pagbibigay-pokus sa reporma sa pandaigdigang pangangasiwa, natamo ang mga bunga sa kooperasyon ng Tsina at Peru bilang bagong modelo para sa win-win na kooperasyon, sinimulan ang bagong kabanata ng pagtatatag ng Tsina at Brazil ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan, pinalawak ang bagong kalagayan ng partnership sa buong mundo, at ipinakita ang mga positibong elemento sa maliwanag na kinabukasan ng Tsina.
Editor: Liu Kai