|
||||||||
|
||
Matamis ang ngiti ni Gao Hui Fang, isang Tsino na naninirahan sa Shijiazhuang. Si Ginang Gao o mas kilala sa tawag na Mommy Fei ay maalalahanin at mapagkaibigan. Kaya di kataka-takang maging malapit si Mommy Fei sa mga Pinoy.
Si Mommy Fei at si Joel Bongsilan
Si Mommy Fei ay estudyante ni Luisa Yuson, isang guro ng wikang Ingles sa Shijiazhuang. Paglaon ng panahon naging magkaigan sila at ngayon parang tunay na kapamilya na ang turingan nila sa isa't isa. Bahagi si Mommy Fei ng mahahalagang tagpo sa buhay ni Luisa sa Tsina kasama na dito ang paggiging saksi sa kasal nya kay Joel Bongsilan.
Paano nagsimula ang pagkakaibigang ito at bakit nga ba magaan ang loob ni Mommy Fei sa mga Pinoy? Pakinggan natin ang kanilang kwento (RADIO )sa pamamagitan ng audio link sa itaas, mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
Iba pang kuwento ng mga Pinoy sa Shijiazhuang: Gurong Pinoy sa Shijiazhuang, Hebei
LEO NAVARRO--Mountain Biking at ang mga tanawin sa Shijiazhuang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |