|
||||||||
|
||
MPST20130612LobocChoir
|
Mga boses na tila umaawit na mga angel, ganito kung ilarawan ang Loboc Children's Choir. At nitong ika 8 ng Hunyo, 2013 nagtanghal ang grupo sa National Center for the Performing Arts Beijing.
Ang konsierto na pinamagatang "Handog Para sa Kaibigan" ay bahagi ng mga aktibidad ng Pasuguan ng Pilipinas para ipagdiwang ang ika-38 anibersaryo ng pagtatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Tsina. Bahagi rin ito ng Philippine-China Years of Friendly Exchanges at itinataguyod ng Liwayway Oishi China.
Loboc Children's Choir sa NCPA, Beijing
Regalo na maituturing para sa mga kaibigang Tsino ang kanilang palabas. Tampok ang mga sikat na awitin mula sa Broadway musicals, pelikula ng Disney at kantang Pranses at Latin. Syempre hindi mawawala ang mga malapit sa puso nating mga OPM. Sorpresa ang pag-awit nila ng Molihua, katutubong awiting Tsino na umani ng masigabong palakpakan.
Handog Para sa Kaibigang Tsino, pagtatanghal ng Loboc Children's Choir bilang bahagi ng Philippine-China Years of Friendly Exchanges
Ang Loboc Children's Choir ay itinatag noong 1980 at binubuo ng mga mag-aaral sa Loboc Central Elementary School na may edad na 9 hanggang 16 na taon. Kampeon ang grupo sa National Music Competitions for Young Artists para sa taong 1993, 1995 at 2001. Wagi rin sila ng gintong medalya sa Youth Category ng 6th Folksongs Festival "Europe and Its Songs" sa Barcelona, Spain noong 2003. Nagtanghal din sila para sa Her Majesty Queen Sofia of Spain nang dumalaw siya sa Pilipinas.
Sina Machelle Ramos, Cecille Poquita at Ginang Alma Fernando-Taldo, sa loob ng studio ng Serbisyo Filipino ng CRI
Nakapagtanghal na ang Loboc Children's Choir sa maraming lalawigan at lungsod sa Tsina kabilang ang Nanchang, Shanghai, Xiamen at Guangzhou. Sa muling pagbabalik sa Beijing, ibinahagi ni Ginang Alma Fernando-Taldo, Conductor ng Loboc Children's Choir, ang kanyang mga nararamdaman sa mahalagang pagtatanghal na layon ay palalimin ang pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Pakinggan ang buong panayam ng Serbisyo Filipino kina G. Alma Taldo at kay Cecille Poquita, isa sa mga senior members ng choir.
Kung gusto po ninyong marinig ang panayam ng 90.5 News Radio sa mga miyembro ng LCC, mag-log-on lang po sa http://newsradio.cri.cn/hqwhq/20130607/9375.htm.
Kung mababasa ninyo ang bersyon sa wikang Tsino, narito po: http://gb.cri.cn/42071/2013/06/13/6251s4146099.htm
Mga kaugnay na ulat: Loboc Children's Choir, bumisita sa Tsina
"Flavors of the Philippines" food festival, binuksan sa Beijing
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |