Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Floyd Ricafrente: "Di-Patawa" Ang Buhay sa Sirko

(GMT+08:00) 2013-08-14 18:41:33       CRI

Sa Rosario, Cavite umusbong ang hilig ni Floyd Ricafrente sa musika. Lumaki sya sa pamilyang likas na may talento sa pagtugtog. Kaya di nakapagtataka kung ito na rin ang kanyang naging trabaho.

Mula pagkabata parte sya ng banda o marching band na inaabangan tuwing may libing, eleksyon o piyesta. Ang kanyang tatay, na musikero rin ang naging gabay niya. Sa University of Santo Tomas nagtapos ng Bachelor of Music si Floyd. Halos lahat na ata ng instrumento kaya niyang tugtogin mapa wind o percussion instrument. Bilang miyembro ng Manila Symphony Orchestra nahasa ang lahat ng kaalaman niya sa musika. Pero isang oportunidad ang dumating sa buhay niya. Di niya ito pinalampas. 2006 nagsimula si Floyd sa Chimelong Paradise sa Guangzhou, Guangdong, Tsina bilang bahagi ng marching band.

Nagtapos si Floyd ng Bachelor of Music sa UST, pitong taon na siyang Musical Direktor ng Chimelong International Circus

Matapos ang tatlong taon sa marching band, na-promote si Floyd. Wala na siya sa initan at di na kailangang libutin ang theme park sa ilalim ng matarik na araw o masungit na panahon. Nakita ng kanyang mga bosing ang potensyal nya para magpatawa. Inalok sya para maging resident clown ng Chimelong International Circus.

Sa kanyang libreng oras, kasama si Floyd sa Big Band Theory at mapapanood sila sa ilang kilalang bars sa Guangzhou tulad ng The Brew at Hooley's

Bagamat isang payaso hindi katatawanan ang buhay niya sa Guangzhou. Sa opening act ng sirko nakakabilib dahil di lang isa o dalawang instrumento ang tinutugtog niya kundi halos sampu pwedeng higit pa. Walang palya, patok ang palabas bata man o matanda. Bilang resident clown abala rin sya sa paghahanda sa nalalapit na International Clown Festival na gaganapin sa Guangzhou.

Apat na taon nang resident clown si Floyd sa Chimelong International Circus

Sa kasalukuyan siya ang Musical Director ng Chimelong International Circus. Ang Chimelong International Circus ay isang sikat na atraksyon sa Guangzhou at ang kalibre ng mga pagtatanghal ay world-class. Kapag peak season, 10,000 katao ang nanonood nito. Kasama ni Floyd sa orchestra ang 16 pang mga Pilipino. Sa tulong ng kanilang musika napupukaw ang damdamin ng mga manonood lalo na sa mga delikadong parte ng sirko.

Sa kanyang bawat pagtatanghal lumalabas ang likas na talento ni Floyd di lang sa musika kundi sa pagpapatawa

Susunod na target ni Floyd ay ang subuking maging Direktor ng buong sirko. Mas lalaki ang responsibilidad nya dahil lahat ng aspeto ng palabas ay hawak na nya. At gaya ng isang magaling na payaso, ito'y isang bagay na haharapin nya na may malaking ngiti at taos-pusong hangad na makapagbigay ng di-malilimutang saya sa mga manonood sa palabas nila.

Pakinggan ang buong interbyu para malaman ang kanyang payo sa mga kababayng nais subukin ang ganitong trabaho. Mapapakinggan din ang circus music ni Floyd Ricafrente sa lakip na audio file sa itaas sigurihin lang na ang Internet Explorer o Firefox browser ay may pinakabagong bersyon ng Adobe Flash Player.

(Ang musika at mga larawan ay ibinahagi ni Floyd Ricafrente, salamat po~)

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>