|
||||||||
|
||
Narito ang mga Sangkap:
6 na pinatuyong black mushrooms
1 kutsara ng langis na panluto
1 clove garlic, dinikdik nang bahagya
1 malaking piraso ng bamboo shoot na
tumitimbang ng humigit-kumulang 125 grams
280 grams ng snow peas
Kalahating kutsarita ng asin
Kalahating kutsarita ng asukal at
Isang pirot ng vetsin
Narito ang paraan ng pagluluto:
1. Hugasan ang mushrooms at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng tatlumpung minuto.
2. Hanguin sa tubig pero huwag itatapon ang tubig na pinagbabaran.
3. Tanggalan ng tangkay ang mushrooms at hatiin sa dalawa ang mushroom caps.
4. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang garlic hanggang sa magkulay brown.
5. Tanggalin ang garlic tapos dagdagan ang apoy.
6. Igisa ang mushrooms sa loob ng ilang segundo tapos isunod ang hiniwa-hiwang bamboo shoot at ituloy ang paggisa sa loob ng ilang segundo.
7. Ihulog ang snow peas tapos ituloy ang paggisa sa loob pa ng isa hanggang dalawang minuto.
8. Buhusan ng apat na kutsara ng likidong pinagbabaran ng mushrooms; budburan ng asin, asukal at vetsin at ituloy pa ang pagluluto sa loob ng dalawang minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Patayin ang apoy pagsingaw ng likido at habang matigas pa ang mga gulay.
9. Isilbi habang mainit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |