|
||||||||
|
||
Kalumon Performing Arts Ensemble Davao
|
Pamilya, kadugo, kalumon.
Ito ang ngalang pinili ng grupo na binubuo ng mga mag-aaral, out-of-school youth at mga alagad ng sining na multi-talented.
Si Bambie Batilo habang tinutugtog ang Kulintang na may 8 gong
Ang Kalumon Performing Arts Ensemble ay mula sa Davao. Di lamang sila magaling sa pagkanta at pagsayaw, pati sa pagtugtog ng mga katutubong mga instrumento na mula sa Mindanao.
Faglong o gitarang may 2 kuwerdas na mula sa tribong B'laan ng South Cotabato
Dumalaw sa Beijing ang Kalumon para magtanghal sa Davao Culture Festival na ginanap sa Marco Polo Parkside Beijing. Kasabay ng food festival kung saan tampok ang napakasarap na lutuing Davaoeno, mas naging kaaya-aya ang tanghalian at hapunan sa hotel dala ng pagtatanghal ng Kalumon Performing Arts Ensemble.
Gabbang, instrumento ng mga Tausug sa Jolo, Sulu
Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng grupo sa Beijing. At inalam ng Serbisyo Filipino kung paano tinaggap ng mga Tsino at dayuhan sa Beijing ang indigenous music at dance na kanilang ipinakita.
Si Mario Leofer Lim hawak ang kubing o Maranao Jaw Harp
Alamin mula kay Mario Leofer Lim, Director-Choreographer at Bambie Batilo, Performing Artist ang ang kanilang naging karanasan sa higit dalawang linggo nilang pananatili sa Beijing.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |