Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Symbolic turn-over ng may 700 tahanan sa Kabisayaan, idinaos

(GMT+08:00) 2015-03-04 21:19:04       CRI

SYMBOLIC TURN-OVER NG SUSI SA MGA BAGONG TAHANAN GINAWA.  Nagsasalita si Fra' Matthew Festing (kaliwa), Grand Master ng Sovereign Military Hospitalier Order of St. John of Jerusalem ng Rhodes at Malta sa Malacanang matapos ibigay kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang susi sa may 700 mga tahanang itinayo sa Basey, Samar at Bantayan, Cebu para sa mga binagyo noong 2013.  (Malacanang Photo)

SA pagdalaw sa Pilipinas ni Prince Fra' Matthew Festing, Grand Master ng Sovereign Military Hospitaller Order of St. John Jerusalem, ng Rhodes at Malta, ipinagkaloob ng dumalaw na panauhin kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang simbolo ng mga susi sa 700 mga tahanang ipagkakaloob ng kanilang samahan sa mga pamilya sa Basey, Samar at Bantayan Island sa Cebu.

Makikinabang sa mga tahanang ito ang mga biktima ni "Yolanda" o "Haiyan" na napinsala noong 2013.

Niliwanag ni Fra' Festing na ang bilateral relationship ay hindi bilang isang nagkaloob at isang tumanggap kungdi ng magkakabalikat na nagsasama-sama sa pagdudulot ng tulong sa mga nangangailangan tulad ng mga biktima ng mga kalamidad.

Kasunod ng pagbibigay ng susi, pinarangalan ni Pangulong Aquino si Fra' Festing ng Order of Sikatuna na may ranggong Rajah,

Ayon kay Pangulong Aquino, ito ay sa pagkilala sa mga naitulong ng samahan. Ang parangal ang pinakamataas na maigagawad sa pinuno ng bansa at simbolo ng pasasalamat sa pakikipgkaibigan at tulong sa nakalipas na 50 taon.

Pinarangalan din si Pangulong Aquino ng pinakamataas na parangal ng Malta, ang Pro Merito Melitensi bilang pagkilala sa mga nagawa ng pangulo para sa mga mamamayan.

Si Fra' Festing ang ikalawang lider ng Order of Malta na dumalaw sa bansa. Unang dumalaw si Fra' Angelo de Majana di Cologna noong 1979. Nakatuon ang tulong ng Order sa post-emergency interventions, kabilang ang rehabilitasyon at disaster-preparedness programs para sa mga komunidad na apektado ng bagyo sa nakalipas na mga taon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>