|
||||||||
|
||
http://mod.cri.cn/fil/podcast/sw20160513.m4a
|
Ang ika-8 ng Mayo ay "Mother's Day." Makukulay na aktibidad ang idinaos sa iba't ibang lugar ng Tsina bilang pagdiriwang sa araw na ito: at bilang bahagi ng kasiyahan, idinaos sa Zhangjiajie ang "Crayfish Festival." Inihandog nang libre ang mga crayfish sa mga ilaw ng tahanan.
Mahigit 100 katao ang nanood sa pagtatanghal ni Chef Tang Chenggang, habang niluluto ang maanghang na crayfish sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. Ginawa niya ito sa isang malaking kawali na may mahigit 2 metrong diametro. Mainit ang kawali, maanghang ang mga crayfish, pero, walang anumang sakit sa mga kamay ng chef, at ito ay unique skill ni Tang. At si Tang ay lahing Tujia, isang minority sa lokalidad.
Ang Zhangjiajie ay isang lugar panturista sa Lalawigang Hunan sa Gitnang Tsina. Kilala dahil sa marikit at natural na tanawin, ito ay tinatawag na "China's national park." Bukod sa tanawin, mayroon ding makukulay na aktibidad na idinaraos dito. Halimbawa, sa Baiguoyuan Garden ng Laodaowan scenic spot, Zhangjiajie, binuksan noong isang buwan ang pagtatanghal ng mga tulip. Samantala, kasabay ring idinaraos doon ang photo contest na may temang "Pinakamagandang Fairy ng mga Tulip." Maaaring makita ng mga turista ang mahigit 30 uri ng makukulay na tulip na nakatanim sa mahigit 6,600 metro kuwadradong lupain.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong idinaos ng Laodaowan scenic spot ang pagtatangghal ng tulip, at ayon sa namamahalang tauhan ng scenic spot, taun-taon nang gagawin ang ganitong pagtatanghal. Ang mga tulip ay namumulaklak sa tagsibol. Pagkatapos ng tagsibol, itatanim naman ang iba pang uri ng bulaklak, at makikita sa lugar na ito ang iba't ibang uri ng mga bulaklak sa bawat panahon. Sa Laodaowan resort, maaaring tumira ang mga turista sa mga hotel na may iba't ibang katangian. Halimbawa, mga maliit na bahay na nakatayo sa puno, mga caravan, mga container at iba pa.
Ang Zhangjiajie senic area ay binubuo ng Zhangjiajie National Forest Park, Suoxiyu Natural Reserves, Tianzishan Natural Reserves at iba pang scenic area. Mula noong 2008, bawat taon, idinaraos dito ang seremonya ng Hunan International Tourism Festival. Sa festival, Nagtipun-tipon ang mga turistang nakasuot ng damit ng pambansang minorya, sa liwasan ng Laomowan sa Zhangjiajie National Forest Park. Habang ine-enjoy ang marikit at natural na tanawin, maaaring panoorin ng mga bisita ang mga katutubong palabas sa lokalidad. Masaya ang pagkakaroon ng ganitong pambihirang karanasan. Ang langit ay background at ang lupa ay nagsisilbing tanghalan. Kay ganda ng tanawin, bagay na nagpapakita ng mayamang kulturang panlahi ng Hunan.
Ito ang pang-akit ng Zhangjiajie, kahanga-hanga ang mga bundok at ilog, 397 metro kuwadradong quartz sandstone landform, na natatakpan ng 98% ng gubat at hanging binubuo ng 100 libong negative oxygen ion sa bawat kubiko sentimetro. Ito'y nakakahalina sa mga manlalakbay sa loob at labas ng bansa.
Noong tag-sibol ng 1979, isang serye ng larawan ang kinhua ni Yangfei, isang mamamahayag mula sa Xinhua News Agency sa Zhangjiajie. At isa sa mga ito ang inilathala sa pabalat ng National Geographic ng Amerika. Ito ang pinaka-unang larawang nagpakilala ng Zhangjiajie. Pero, para sa mga taga-Zhangjiajie, ang kanilang bayani ay ang master ng traditional Chinese painting na si Wu Guanzhong.
Nang ipinta ni Wu Guanzhong sa Zhangjiajie, naisip niya na sayang naman kung hindi malalaman ng mga mamamayang Tsino ang gayong mala larawang tanawin. Kaya, sinulat niya ang isang artikulo para ipakilala ang Zhangjiajie at kasabay ring ipinalabas ang kanyang obrang pinta. Pagkatapos nito, ang pangalang Zhangjiajie ay nagsimulang maging pamilyar para sa mga mamamayan ng bansa.
Niyanig ng artikulo ni Wu ang sirkulong panturista ng bansa. Kasunod nito, ipinadala ni Chen Fuli, isang photographer ang kanyang obra sa eksbisyon ng Royal Photographic Society ng Britanya at natamo ang pinakamataas na gantimpala. Dito, kauna-unahang narinig ang pangalan ng Zhangjiajie sa Europa.
Noong taong 1982, naitatag ng Zhangjiajie ang kauna-unahang national forest park ng Tsina. Noong taong 1992, naibilang ang "Wulingyuan" ng Zhangjiajie sa listahan ng world natural heritage. Noong taong 1994, ang Zhangjiajie ay naging unang lunsod sa Tsina na pinangalanang scenic area at naging isang klasikal na halimbawa ng tatak na panturista.
Noong taong 2001, sinimulang isagawa ng Zhangjiajie ang regulasyon ng pangangalaga sa Wulingyuan world natural heritage ng Hunan. Ito ang kauna-unahang batas na panrehiyon ng Tsina sa pangangalaga sa world natural heritage. Noong taong 2004, nakipagkooperasyon ang mga may kinalamang departamento ng pamahalaang lokal sa Microsoft at itinatag ang living broadcast system sa internet. Maaaring makita ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa ang mga tanawin ng Zhangjiajie sa aumang sandali. Ipinakikita sa paraang ito ang determinasyon ng pamahalaan ng Zhangjiajie na tanggapin ang pagmomonitor ng mga mamamayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |