Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Photo Exhibit, pinasinayaan sa National Historical Commission

(GMT+08:00) 2013-06-14 17:08:53       CRI

PINASINAYAAN.  Nasa larawan sina National Historical Commission Chairperson Dr. Ma. Serena I. Diokno (gitna),Deputy Chief of Mission and Political Counsellor Sun XiangYang (pangatlo mula sa kaliwa) at Deputy Director Chen Jun Feng ng The Memorial Hall of the Victims in Nanjing Massacre sa pagsisimula ng photo exhibit na tatagal hanggang sa ika-23 ng Hunyo.

PINASINAYAAN ang isang photo exhibit na nagpapakita ng mga pagpapahirap ng mga mananakop na Hapones noong Ikawalang Digmaang Pandaigdig, partikular sa Tsina, Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Vietnam, Singapore at Indonesia.

Panauhing pandangal si G. Chen Jun Feng, Deputy Director ng "Memorial Hall of the Victims in Nanjing Massacre by Japanese Invaders" sa okasyon sa National Historical Institute kaninang umaga. Pinamunuan ni Dorian L. Chua, pangulo ng Tulay Foundation, Inc. ang palatuntunan sa pagsasabing angkop lamang na mabatid ng lahat ang masakit na pangyayari noong nakalipas na digmaan.

TEAM LEADER NG WA CHI 48th SQUADRON, DUMALO.  Nagmamasid ang team leader ng Wa Chi Brigade na si Ginoong Wang sa mga larawang itinanghal sa photo exhibit.  Sa edad na 90 taong gulang, maliwanag pa ang ala-ala ng digmaan kay Ginoong Wang. 

Walang layuning buksang-muli ang mga naghilom nang sugat noong dekada kuwarenta bagkos ay matuto sa malalagim na pangyayari upang huwag nang maulit ito.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dr. Maria Serena I. Diokno na hindi ng lahat na bahagi ng Kasaysayan ay masaya sapagkat ang malulungkot na kaganapan ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang gunatain at huwag nang ulitin pang mula ang malalagim na naganap.Sa panayam, sinabi ni G. Chua na nararapat mabatid ng lahat ang Kasaysayan upang magkaisa at huwag nang pabayaang maulit ang karumal-dumal na bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tampok sa photo exhibit ang may 260 mga larawang pinalaki mula sa loob at labas ng Pilipinas.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>