|
||||||||
|
||
Mga manggagawang na sa ibang bansa, malamang manatili na muna sa kanilang kinalalagyan
KAHIT pa tumaas ang gross domestic product sa unang tatlong buwan ng 2013 sa 7.8%, hindi ito magiging dahilan na dumagsang pauwi sa Pilipinas ang mga manggagawang nasa ibang bansa.
Ito ang pananaw ni Fr. Edwin Corros, isang Scalabrinian Missionary at Executive Secretary ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa panayam ng CBCP Online Radio.
Sinabi ni Fr. Corros na bagama't may mga umuuwi na at nangangalakal na sa Pilipinas higit na kakakunti ang mga ito sa bilang ng mga lumalabas ng bansa. Mataas pa rin ang unemployment na nasa 7% samantalang naglalaro sa 12-13% ang underemployed.
Bumagsak pa ang Philippine Stock Market, dagdag pa ni Fr. Corros. Nais umano niyang malaman kung saan nagmula at kung ano ang kalagayan ng mga manggagawang umuwi na sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |