Pitong (7) alagad ng sining mula sa mga bansang ASEAN at tatlo (3) pang iba na mula sa Tsina ang lumahok kahapon sa ASEAN-China Youth Artists' Workshop Exhibition na idinaos sa punong himpilan ng ASEAN-China Center (ACC) sa Distrito ng Chaoyang, Beijing.
Limampung (50) obra hinggil sa kalikasan at kultura ang ipinakita sa nasabing eksibisyon. Ang mga ito ay idinibuho ng mga pintor, base sa kanilang pagdalaw sa mga lugar na gaya ng Great Wall, Forbidden City, 798 Artists' Street, Bundok Yuntai, Longmen Grottoes, Templo ng Shaolin, at marami pang ibang lugar na pangkultura ng Tsina.
Ang mga kalahok mula sa mga bansang ASEAN ay sila Katrina Tuazon (Pilipinas), Nabil Fikri Bin Haronli (Brunei), Mick Saylom (Laos), Khin Htet Wai (Myanmar), Marvin Chew(Singapore), Phattaraporn Leanpanit (Thailand), at Ngo Duong (Vietnam).
Si Ginoong Zhang Aiping, Director General ng Bureau for External Cultural Relations ng Ministri ng Kultura ng Tsina, sa kanyang talumpati sa ASEAN-China Youth Artists' Workshop Exhibition
1 2 3 4