|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpating pambungad, sinabi ni Ginoong Zhang Aiping, Director General ng Bureau for External Cultural Relations ng Ministri ng Kultura ng Tsina, na ang ASEAN at Tsina ay may mahabang kasaysayan ng pagpapalitan.
Mula nang maitatag ang partnership ng dalawang panig noong 1991, marami na aniyang nakamit ang ASEAN at Tsina sa arena ng kultura.
Dagdag pa niya, dahil sa mga pagpapalitang ito, lalong naunawaan ng bawat panig ang mga kagawian ng isa't isa at napahigpit ang kanilang relasyon.
Sinabi pa ni Zhang, na ang ASEAN-China Youth Artists' Workshop Exhibition ay isa sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng EstratehikongRelasyon ng Tsina at ASEAN.
Sinabi naman ni Ginoong Ma Mingqiang, Secretary General ng ASEAN-China Centre, na inaasahan niyang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, lalo pang lalalim ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng ASEAN at Tsina.
Si Ginoong Ma Mingqiang, Secretary General ng ASEAN-China Centre
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |