|
||||||||
|
||
Nagpulong kahapon ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Tinukoy nitong dapat isaayos ang direksyon, lakas at bilis ng macro-control para mapanatili ang takbo ng kabuhayan sa makatwirang kondisyon.
Sa kasalukuyan, napakasalimuot ng kapaligirang pangkabuhayan sa loob at labas ng Tsina. Tinalakay sa naturang pulong ang kalagayan ng kabuhayan at mga gawaing pangkabuhayan sa huling hati ng taong ito, at ginawa ang mahalaga't masusing pagpaplano para sa direksyon ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino para sa nabanggit na panahon.
"Sa huling hati ng taong ito, mananatiling matatag sa kabuuan ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino," at "pananatilihin ang takbo ng kabuhayan sa makatwirang kondisyon." Ito ang mahalagang target at tungkuling iniharap sa nabanggit na pulong.
Binigyang-diin sa pulong na dapat igiit ang pangkalahatang plano para mapatatag ang paglago ng kabuhayan, isaayos ang estruktura at pasulungin ang reporma. Dapat ding igarantiya ang katatagan ng macro-policy, pleksiblidad ng micro-policy, at pagpapatuloy ng mga social policy.
Kabilang sa 10 konkretong hakbangin sa pagsasaayos ng gawaing pangkabuhayan sa huling hati ng taong ito na iniharap sa pulong, nagiging tampok ang mga hakbanging gaya ng maayos at matatag na pagpapasulong ng bagong urbanization na ang nukleo ay mga mamamayan, pagpapasulong ng matatag at malusog na pag-unlad ng real estate market, pagdedebelop ng kasiglahan ng mga bahay-kalakal, aktibong pagpapaunlad ng mga bagong sibol na estratehikong industriya, pagpapabilis ng pag-unlad ng industriya ng impormasyon, puspusang pagpapaunlad ng industriya ng pagtitipid ng enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran at bagong enerhiya at iba pa.
Ang pamumuhay ng mga mamamayan ay pundasyon ng pagpapatatag ng kaunlaran ng kabuhayan. Ipinalalagay ng pulong na dapat patuloy na pabutihin ang patakaran sa pagkatig at pagbibigay-tulong sa hanap-buhay at pagpapasimula ng negosyo, iplano ang konstruksyon ng social security system sa mga lunsod at nayon, mainam na isaayos ang produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan sa mga purok na naapektuhan ng likas na kapahamakan, pasulungin ang pag-unlad ng mga usapin ng edukasyon, kalusugan, kultura at palakasan, palakasin at repormahin ang administrasyong panlipunan, at panatilihin ang harmonya't katatagan ng lipunan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |