|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa demonstrasyon laban sa pamahalaan, nagsimula nang pairalin kahapon ng Gabinete ng Thailand ang Internal Security Act (ISA) sa tatlong distrito ng Bangkok na kinabibilangan ng Dusit, Phra Nakhon at Pomprap Satruphai.
Sa nasabing tatlong distrito matatagpuan ang Pamahalaan, Parliamento at iba pang mahahalagang organong pampamahalaan. Tatagal hanggang ika-10 ng buwang ito ang Batas na Panseguridad.
Ipinatalastas kamakailan ng ilang kontra-gobyernong grupo ang kani-kanilang balak na magrali sa harap ng Parliamento simula kahapon, na siya ring araw ng muling pagbubukas ng sesyong Parliamentaryo.
Sa idinaraos na sesyon, inaasahang susuriin ng Parliamento ang isang panukalang-batas sa amnestiya.
Ayon sa mga kontra-gobyernong grupo, ang nabanggit na panukalang-batas ay makakatulong sa pag-uwi ni dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra, na napaalis sa bansa noong taong 2006 dahil sa kudeta.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |