
Ipinahayag kahapon ni Yuri Ushakov, Asistente ng Pangulong Ruso sa mga Suliraning Diplomatiko, na hindi naapektuhan ni Edward Snowden ang pag-unlad ng relasyon ng Rusya at Amerika.
Mayroong naunang mga balita, na dahil sa pagkakaiba ng pananaw ng Rusya at Amerika sa isyu ni Snowden, posibleng kanselahin ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pagtatagpo nila ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Kaugnay nito, sinabi ni Ushakov na hanggang sa ngayon, wala pang tinatanggap ang panig Ruso na ganitong pahiwatig.
Salin: Li Feng