Kinatagpo kahapon sa Teheran ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran si Cai Wu, Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Si Cai ay dumalo sa inagurasyon ni Rouhani bilang Pangulo ng Iran.
Sa pagtatagpo, ipinaabot ni Cai kay Rouhani ang pagbati ng Pangulong Tsino. Ipinahayag ni Cai, na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Iran upang palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa ibat ibang larangan. Nananalig aniya siyang tiyak na makakamtan ang bunga ng pagkakaibigan ng Tsina at Iran, batay sa magkakasama nilang pagsisikap. Dagdag pa niya, makikinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Rouhani ang pasasalamat sa Pangulong Tsino, sugo para sa inagurasyon. Sinabi niya na ipagpapatuloy ng Iran ang pakikipagtulungan nito sa Tsina, para sa pagkakaroon ng bagong pahina sa aklat ng mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa.