|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Lon Snowden, ama ni Edward Snowden, whistleblower ng mga surveillance program ng Amerika, na nakakuha na siya ng bisa ng Rusya. Aniya, tutungo siya ng Rusya upang makita ang kanyang anak na lalaki.
Winika ito ni Lon Snowden nang kapanayamin siya ng programang "This Week" ng American Broadcasting Corporation (ABC). Ngunit hindi niya sinabi kung saan kasalukuyang tumitigil ang kanyang anak. Hindi rin niya isiniwalat ang kongkretong oras ng kanyang biyahe sa Rusya.
Salin: Li Feng
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |