|
||||||||
|
||
Noong nakaraang taon, matagumpay na nalipol ng Tsina ang Myanmar drug gang na pinamumunuan ni Naw Kham. Kasunod nito, walang humpay na pinapalakas ng Tsina, kasama ng ibang kinauukulang bansa, ang pagbibigay-dagok sa krimeng may kinalaman sa droga. Ipinahayag ni Liu Yuejin na sa kasalukuyan, talamak na ang pagpapasok sa Tsina ng mga droga mula sa ibayong dagat, kaya sa naturang espesyal na aksyon laban sa droga, isasagawa ng Tsina ang komprehensibong hayagang pagtunton sa iba't ibang tsanel para matuklasan ang droga bago ang pagpapasok nito sa hanggahan.
Bukod dito, ipinahayag rin ni Liu na sa proseso ng espesyal na aksyon laban sa droga, mahigpit na makikipagkooperasyon ang Tsina sa panig pulisya ng mga kinauukulang bansa, at isasagawa ang magkasanib na aksyon para magkakasamang masugpo ang transnasyonal na network ng drug trafficking.
Kasabay nito, sa espesyal na aksyon laban sa droga, magbibigay-dagok rin ang Tsina sa mga akdibidad ng pagpupuslit ng droga, pagpoprodyus at pagbebenta nito sa loob ng Tsina.
Hanggang noong katapusan ng nakaraang Hunyo, umabot na sa 2.28 milyon ang drug users sa Tsina, at tumataas na rin ang proporsyon ng batang drug users. Kaya, sa espesyal na aksyon laban sa droga, itinakda ng Tsina ang hakbangin na espesyal na nakatuon sa mga drug users. Ipinahayag ni Liu na ang aksyong ito ay para mabisang itigil ang tunguhin ng pagtaas ng mga drug users.
Sinabi ni Liu na nitong ilang taong nakalipas, nilagom sumahin ng Tsina ang maraming karanasan sa larangan ng pag-bitiw sa pagkakalulong sa droga. Sa hinaharap, palalaganapin ang naturang mga karanasan sa buong bansa.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |