Opisyal na pinasinayaan kahapon sa Kochin, isang puwerto sa timog ng Indya ang kauna-unahang aircraft carrier na ginawa sa bansa at ito'y may code name na "Vikrant."
Ang "Vikrant" ay may 37,500 tonnage at puwedeng sakyan ng 36 na eroplanong militar.
Sinabi sa seremonya ni Arackaparambil Kurien Antony, Kalihim ng Tanggulan ng Indya, na ang pagpasinaya ng "Vikrant" ay isang mahalagang milestone ng gawang Indyang kagamitang militar. Aniya, patuloy na magpapaunlad ang kanyang bansa ng pandagat na gamit-militar para maigarantiya ang kaligtasang pandagat ng bansa.
Salin: Andrea