|
||||||||
|
||
Ang ika-15 ng Agosto ay Victory Over Japan Day o araw ng walang pasubaling pagsuko ng Hapon noong World War II. 68 taon na ang nakararaan sapul nang maglunsad ang militaristikong Hapon ng digmaang mapanalakay, pero paulit-ulit pa ring pinabubulaanan at pinagaganda ng mga makakanang Hapones ang kasaysayan ng naturang digmaan. Tinukoy ng tagapag-analisa na kung ipagpipilitan ng mga makakanang ito ang sariling paninindigan, itutulak nila ang Hapon sa maling landas.
Sapul nang muling manungkulan si Shinzo Abe bilang punong ministro ng Hapon noong nagdaang Disyembre, naging aktibo ang puwersang makakanan ng Hapon sa arenang pulitikal, at lantarang nagpalabas sila ng mga pananalitang nagpapabulaan sa kasaysayan ng digmaang mapanalakay. Higit sa lahat, nang mabanggit kamakailan ang isyu ng pagsususog sa Konstitusyon, iniharap ni Taro Aso, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pananalapi ng Hapon, ang paninindigang tularan ang mga kilos ng Nazi ng Alemanya.
Pagkatapos ng pagtatagumpay ng naghaharing alyansa sa halalan ng Mataas na Kapulungan, pinasulong ng mga makakanan ang hakbang ng pagsususog sa Konstitusyon, at nagtangka silang susugan ang konstitusyonal na paliwanag hinggil sa paggamit ng collective self-defense right.
Nitong nakalipas na 68 taon pagkatapos ng World War II, lagi nang iginigiit ng Hapon ang konstitusyong pangkapayapaan, at nagbunsod ito ng kapayapaan at kasaganaan sa bansang ito. Pero sa tingin ng mga makakanan, ang konstitusyong pangkapayapaan ay pinakamalaking hadlang sa landas ng pagpapanumbalik ng "kasaganaan" ng Hapon bago ang World War II.
Ang mga pananalita ng mga makakanang Hapones na humahamon sa katarungang pandaigdig at yumuyurak sa budhi ng sangkatauhan ay tumanggap ng matinding kondemnasyon sa loob at labas ng bansa.
Nagbabala kamakailan ang U.S. Congressional Research Service na kung magbibigay-galang si Abe at ang mga ministro ng Gabinete sa Yasukuni Shrine sa Victory Over Japan Day, muling magpapasidhi ito sa maigting na kalagayan ng Silangang Asya. Ipinahayag naman ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na kung hahamunin ang resulta ng World War II at kaayusang pandaigdig pagkatapos ng digmaang ito, magpakailanma'y hindi makakahulagpos ang Hapon sa anino ng kasaysayan, at walang magandang kalalabasan ang relasyon ng Hapon sa mga kapitbansa nito sa Asya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |