Sinabi kahapon ni Admiral Joshi, Chief of Staff ng Hukbong Pandagat ng India, na kasalukuyang abala-abalang isinasagawa ang search operation sa INS Sindhurakshak, umano'y sumabog bago tuluyang lumubog na Indian navy submarine sa Mumbai military port kahapon ng madaling araw. Hindi pa aniya malinaw ang kondisyon ng 18 na-trap na crew nito.
Dagdag pa ni Joshi, hanggang sa ngayon, hindi pa matiyak ng panig militar ang sanhi ng naturang pagsabog.
Ipinahayag nang araw ring iyon ni A.K.Antony, Ministro ng Tanggulang Bansa ng India ang lubos na pakikidalamhati sa nasawing crew sa nasabing aksidente. Ipinagbigay-alam na niya kay Punong Ministro Manmohan Singh ang hinggil sa kanyang initial findings sa aksidenteng ito.
Salin: Li Feng