Kaugnay ng presentasyon ng Tsina sa Commission on the Limits of the Continental Shelf hinggil sa Partial Submission nito na may kinalaman sa outer limitis ng continental shelf na lampas sa 200 nautical miles sa East China Sea, sinabi ngayong araw ng mga namamahalang tauhan at eksperto ng Pambansang Kawanihan ng Dagat ng Tsina, na sa pamamagitan ng presentasyong ito, malinaw na isinalaysay ng bansa ang hinggil sa pagtatakda ng naturang outer limits.
Anila, ang pagtatakda ng Tsina ng naturang outer limits ay batay sa katangiang heograpikal ng East China Sea, at mga pamantayan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Kaya anila, wala itong problema pagdating sa kapwa siyensiya at batas.
Salin: Liu Kai