Gumawa ng presentasyon kahapon ang delegasyong Tsino sa Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS) na nasa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) hinggil sa Partial Submission Outer Limits ng Continental Shelf na lampas sa 200 nautical miles sa East China Sea (ECS).
Ang Continental Shelf ng Tsina sa ECS ay likas na umaabot sa Okinawa Trough at lampas sa 200 nautical miles mula sa sinukat na baseline ng Tsina sa ECS. Ayon sa UNCLOS, sa ilalim ng kondisyong ito, dapat iharap ang mga may kinalamang impormasyon sa CLCS. Noong ika-14 ng Disyembre, 2012, iniharap na ng Tsina sa CLCS ang kanyang Partial Submission Concerning the Outer Limits of the Continental Shelf na lampas sa 200 nautical miles sa East China Sea.
Salin: Andrea