Nanawagan kahapon si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa iba't ibang panig ng Ehipto na magtimpi at lutasin ang mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo.
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono sa kanyang counterpart sa Jordan na si Nasser Judeh, ipinahayag ni Ministro Wang ang paninidigan ng Tsina sa madugong alitan sa Ehipto kamakalawa.
Ipinahayag ni Wang na buong-higpit na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan ng Ehipto at ikinababalisa ito ng Tsina. Umaasa aniya siyang makakapagtalastasan ang iba't ibang panig ng Ehipto batay sa pundamental na kapakanan ng sambayanan para maiwasan ang mas maraming kasuwalti na dulot ng sagupaan at mapanumbalik ang kaayusan at katatagang panlipunan.
Salin: Jade